Di na lubhang magtatagal Ang lahat ng kahulugan Ng pagluha't kalumbayan Ay atin nang malalaman.
REFRAIN
Kaya nga't sa Panginoon Magtapat nang buong tapang, Daan ma'y madilim ngayon, Bukas, maliliwanagan.
Ang gawa nating natigil Doo'y ating tatapusin, Lahat ng hiwaga sa 'tin Doon ay ipalilining.
Kung bakit ang kadiliman Sa liwanag humahalang, At ang tuwa'y pumapanaw, Doon ating malalaman.
Kung bakit ang ating nais Malimit na ipagkait At ayaw na ipakamit Doon ating mababatid.
Alam ng Diyos ating daan; Tiyak ang kanyang patnubay, Bawat luhang naranasan Doon ating malalaman.